PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Villar, Senate Pres. ulit

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na posibleng si Sen. Manuel Villar Jr. ang magiging susunod na Senate President.

Ayon kay Sen. Santiago, na tumakbong guest candidate ng Nacionalista Party sa May 10 elections, kung nais ni Sen. Villar na muling maging lider ng Senado ay makukuha niya ito dahil sila ang may ‘numbers’.

“Villar will likely be the Senate President, because we have the numbers. If he wants to be Senate President again, he will have it,” paniniguro pa ni Sen. Santiago.

Ang mga kaalyado ni Villar sa Senado ay kinabibilangan nina Senators Joker Arroyo, Allan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Loren Legarda, Santiago, Juan Miguel Zubiri, Edgardo Angara, Bong Revilla at Lito Lapid.

Samantala, pinayuhan din ni Santiago si Sen. Noynoy Aquino na kung nais nitong makapagpasa ng mga priority bills sa sandaling maluklok na siyang pangulo sa June 30 ay dapat mapalakas niya ang kanyang partido sa Senado at Kamara.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: