^

Bansa

Libu-libong hayop patay sa heat stroke

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Libu-libong hayop na ang nangamatay sa tatlong lalawigan dahil sa papatinding epekto ng El Niño.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Regional Director Cesar Rodriguez, nasa P1 bil­yong halaga na umano ng kanilang mga alagaing kalabaw, baka, kambing at baboy ang nangamatay makaraang atakihin ng heat stroke at mga sakit dala ng mainit na panahon sa mga hayupan sa Ifugao, Benguet at Kalinga.

Higit na nagpatindi sa pagkamatay at pagkasakit ng mga hayupan sa nabanggit na lugar ang pagkatuyo ng mga lupa, malnutrisyon, pagka-uhaw, pagkagutom at dehydration.

Ayon kay Rodriguez, may 82 pamilya ang apektado nito at nalugi ng may P1,376,220,352.

Ang pag-init ng panahon na nagpapababa ng oxygen depletion sa Magat river ang ugat ng pagkamatay ng mga isda sa may Ifugao at Isabela.

Marami din umano ang nakalutang na patay na isdang tilapia sa mga fish pens, cages at ponds na inisyal na epekto pa lamang ng El Niño.

Mula nitong Enero 2010, sinabi ng PAGASA na ang  Benguet, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Aurora, Quezon, Marinduque, Mindoro, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon, Northern Samar, Aklan at Guimaras  ang unang mga lugar sa bansa na makakatikim ng epekto ng El Niño.

vuukle comment

BENGUET

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EL NI

IFUGAO

NORTHERN SAMAR

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with