PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Anomalya sa GSIS, giit aksiyunan ng Malacañang

MANILA, Philippines - Balot ngayon ng ma­tinding pangamba ang mga guro at empleyado na baka tuluyan ng mabaon sa limot ng Palasyo ng Malakanyang ang iba’t ibang umano’y anomalya sa Government Service Insurance System (GSIS) na ang mga biktima’y mayorya ng higit anim na raang pampublikong guro at empleyado sa buong kapuluan.

Sinabi ni Alliance of Vo­lunteer Educators Partylist (AVE) Executive Director at Spokesperson Arnulfo Empleo na siya ring Pre­sidente ng National Association of Public Secondary School Heads Inc (NAPSSHI) na sa nalalabing araw sa ka­pangyarihan ng kasalu­kuyang administrasyon, dapat aniya nitong paki­alaman na ang problema ng mga guro patungkol sa kanilang mga benepisyo na hindi naibibigay ng GSIS dahil sa talamak na byu­rukrasya, mabagal na sis­tema, walang kakaya­hang mamahala ng lide­rato nito at iba’t ibang anomalya.

Inihayag ni Empleo na bumilang na ng maraming taon ang sinasabing ire­gularidad sa GSIS ngunit nananatiling bigo ang ahensiya na masugpo ang katiwalian dito sa ilalim ng liderato ni Winston Garcia.

“Ano bang implu­wen­siya mayroon si Ginoong Winston Garcia para ma­natili siya sa puwesto gayung lantad naman sa mga miyembro ng GSIS kung paano niya pinatakbo ang ahensiya? Iyung mga benepisyo na inaasahan ng mga miyembro sa ka­nilang pagreretiro, bakit hindi maibigay?” ayon pa sa AVE Partylist spokes­person.

Ilan sa mga tinukoy ni Empleo na sinasabing ire­gularidad sa GSIS ay ang hindi maipaliwanag na katakut -takot na pagkaltas sa buwanang sahod ng mga guro, hindi pag-a­a­ pruba sa loan application ng mga miyembro dahil umano sa unpaid debt at iba pa.

“Kung sisiyasatin ang record mismo ng remittances na isinumite ng employer, marami sa amin na wala ng outstanding ba­lance kaya nakapag­tataka kung bakit hindi maka­utang ang marami sa amin.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lumala­bas na late pos­ting ang nangyayari na kapabayaan ng mga taga- GSIS at itoy isang malinaw na replek­syon sa liderato ng natu­rang ahensiya ng pa­ma­halaan,” wika ni Empleo.

Binigyang diin pa nito na hindi dapat ipagwalang-bahala ang problema ng mga kawawang guro at em­­pleyado na sa kaka­unting benepisyong maga­gamit sa pagreretiro ay naipagkakait pa. (Mer Layson)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: