PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pumapasa sa nursing board exam bumaba

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga pumapasa sa nursing board exams.

Base sa record ng Professional Regulatory Commission, bumaba nang 40 porsiyento ang pumasa sa nursing licensure examination noong 2009 habang 44.5% ang pumasa noong 2008 at 48% ang pumasa noong 2007.

Kabilang naman sa nanguna sa 2009 nursing exams si Clarie Morales ng Bontolang Iligan Medical Center College Inc. na nakakuha ng 87.80, sumunod si Noel Cueto Asis ng Lyceum of Batangas, 87.60; at Dickson Araza Laude ng St. Scholastica College of Health and Sciences Tacloban, 87%.

Naging kapuna-puna rin na nanguna ang mga nursing school sa labas ng Metro Manila noong 2008 at nakakakuha ng 100 percent passing rates tulad ng Dumaguete, Iloilo City at Tuguegarao.

May kabuuang 94.462 nursing graduates ang kumuha ng 2009 licensure exams na mas mataas kaysa noong 2008 na 88,649. (Gemma Amargo-Garcia)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: