^

Bansa

Nagliligawang kabataan sa Simbang Gabi nakatikim ng sermon sa Simbahan

-

MANILA, Philippines - Nakatikim ng sermon sa Simbahang Katoliko ang mga kabataan na duma­ dalo lamang sa Simbang Gabi upang magligawan.

Ayon kay Fr. Gerry Patio, editor ng Catholic journal na Theological Centrum Documentation Service, “worship” at hindi “courtship” ang dapat na gawin sa pagdalo sa Simbang Gabi.

Sa panahon ngayon sinabi ni Patio na maraming dumadalo sa Simbang Gabi para lamang makaha­lubilo ang kanilang mga barkada at makasama ang kanilang mga nililigawan o ‘di kaya ay kasintahan.

Si Patio ay editor ng Theological Centrum Documentation Service, na tu­matalakay sa Catholic faith at isyung moral.

Pinaalalahanan ng na­sabing Pari ang mga ka­bataan na isapuso ang tunay na kahulugan ng Simbang Gabi na tradisyon ng mga Filipino tuwing papalapit na ang pasko.

Magugunitang noong Dec. 16 sinimulan ang siyam na araw na Simbang Gabi sa mga Simbahan ng Katoliko sa buong bansa. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

GERRY PATIO

KATOLIKO

MAGUGUNITANG

MER LAYSON

SI PATIO

SIMBAHANG KATOLIKO

SIMBANG GABI

THEOLOGICAL CENTRUM DOCUMENTATION SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with