PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MMDA, Metro Mayors nagkasundo na sa single ticketing

Nagkasundo na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang tutol na Metro mayors sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) 712 o single ticketing scheme.

Sa panayam kay MMDA chairman Bayani Fernando, sinabi nito na napagkasunduan ng kan­yang ahensiya at ng lahat ng Metro mayors sa huli nilang pagpupulong ka­ma­kalawa na iisang traffic violation ticket na la­mang ang iisyu sa bawat lungsod ng Metro Manila.

Kapag ang sinumang mo­torista na mahuhuli sa paglabag sa batas-trapiko at nauna ng maisyuhan ang mga ito ng lokal traffic enforcers ng violation ticket ay hindi na pwe­ deng isyuhan pa ng ticket mula sa MMDA.

Gayundin, kapag ang mga traffic enforcer na­man ng MMDA ang unang ma­ka­huli sa mga traffic violators ay ang ticket mula sa nasabing ahen­siya ang iisyu at hindi na kailangan pang isyu­han ito ng ticket mula sa lokal na pamaha­laan o ng local traffic enforcers.   

Napagkasunduan din sa nasabing pulong na tanging ang mga national roads lamang gaya ng EDSA ang sakop ng pani­niket ng MMDA, habang ang mga lansangan na­man na sakop ng mga lokal na pamahalaan ay ipa­ubaya na lamang sa mga local traffic enforcers o sa mga lungsod.

Sa kabila nito, ang MMDA pa rin umano ang ma­mumuno o magmama­tyag sa pagpapatupad sa nasabing Metro Traffic Ticketing system.

Inaayos na ang pag­latag ng memorandum of agreement (MOA) hinggil sa nasabing kasunduan kung saan ay muli silang magpupulong para sa final approval at signing nito.

Batay naman sa naka­lap na impormasyon, na­pi­litan umanong magka­sundo ang MMDA at ang hindi pabor na mga Metro mayors sa implementas­yon ng EO 712 ni Pangu­long Arroyo makaraang ulanin ng bantang kilos-protesta ang mga ito kung saan bago pa man ang nasabing pagpupulong ay una ng sinampolan ng mga demonstrador ang nasa­bing ahensiya.

Ayon sa mga demons­trador, kinakailangang re­solbahin na ng MMDA at Metro mayors ang isyu sa lalong madaling panahon at kung hindi ay mas ma­lalang kilos-protesta o transport strike umano ang bubulaga sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila.

Ang mga alkalde na tutol sa single ticketing ay sina Benhur Abalos ng Mandaluyong City, Wen­ceslao “Peewee” Trinidad ng Pasay City, Jose Victor “JV” Ejercito ng San Juan City at Toby Tiangco ng Navotas City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: