^

Bansa

'Pag naubos ang suplay ng langis, food riot nakaamba!

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Nagbabala si Senate President Juan Ponce Enrile na posibleng mag­karoon ng food riot kung tuluyang mauubos ang suplay ng langis.

Ayon kay Sen. Enrile, sa loob lamang ng tatlong araw na mahinto ang trans­port system sa bansa dahil sa kakulangan ng langis ay siguradong mag­kakaroon ng food riot.

“Isipin mo ang sitwas­yon kapag wala ng gaso­lina,” sabi ni Enrile.

Ang shortage aniya sa produktong petrolyo ay sanhi ng supply and demand kung saan hindi na nag-aangkat ng produk­tong petrolyo ang mga kompanya ng langis dahil nalulugi na umano ang mga ito sanhi ng Executive Order 839.

Idinagdag ni Enrile na hindi mga charitable institutions ang mga kom­panya ng langis na ma­aring magbenta ng palugi.

Ayon naman kay Sen. Miriam Defensor-San­tiago, maaring ang gob­yerno ang magpatakbo ng mga oil companies hangga’t hindi narere­solba ang problema sa kakulangan ng mga pro­duktong petrolyo.

Ito ang nakikitang so­lusyon ni Santiago sa banta ng mga oil companies na magsasara ang mga ito kung panana­tilihin ng Malacañang ang EO 839.

Isinangkalan ni San­tiago ang emergency situation at ang pananatili ng state of calamity kaya maaaring i-take over ang mga kompanya ng langis.

Hindi anya lalabag sa batas ang gobyerno saka­ling i-take over ang mga kompanya ng langis na nagbabanta na mauubos na ang kanilang suplay.

Ilang mga gasoline stations na ang nagsara lalo na sa mga probinsiya dahil wala na umano silang suplay ng langis.

vuukle comment

AYON

ENRILE

EXECUTIVE ORDER

IDINAGDAG

ILANG

LANGIS

MIRIAM DEFENSOR-SAN

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with