PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa mag-inang Pinoy na pinatay sa Japan: DFA nagmomonitor

Tiniyak kahapon ng Department of Foreign Affairs na masusi nilang imo-monitor ang kaso ng isang Pilipina at pitong buwang gulang na anak nito na umano’y pinatay ng kani­yang mister na Hapones sa Tokyo, Japan.

Ayon kay DFA Spokesman Claro M. Cristobal, ipina­awtopsiya ng mga awtoridad na Hapones ang bangkay ng mga biktima na sina Crisanta Mahusay, 33, at anak nitong si Nao­masa Nagano.

Pagkakalooban din umano ng DFA ng kauku­lang tulong ang pamilya ng mga biktima.

Ayon kay Cristobal, batay sa ulat na ipinarating sa kanila ni Philippine consul general to Tokyo Sul­picio Confiado, inamin na umano ng suspek na si Masayoshi Nagano, 43, driver ng Seibu Bus Company, ang pagpaslang sa kaniyang asawang 33-anyos na Pinay at sa kani­lang pitong buwang gulang na sanggol noong Martes sa kanilang apartment.

Lumilitaw na tinadtad ng saksak si Manusay sa­mantalang sinakal hang­gang sa mamatay ang bata.

Problema sa pera at sa kanilang kinabukasan ang sinasabing dahilan umano ng suspek kaya’t pinatay ang kaniyang mag-ina.

Tinangka rin umano nitong magpakamatay ngunit hindi lamang umano niya nakayanan na kitlin ang sariling buhay. (Mer Layson)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: