PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

13,000 evacuees may mga sakit na

MANILA, Philippines - Tinatayang may 13,000 evacuees na ang may sakit ng cholera, dengue, malaria, at typhoid fever matapos na pagkababad sa mga tubig-baha at pagsisikip ng evacuation centers matapos ang pananalasa ni Ondoy.

Sa datos ng Department of Health (DOH), kalahati ng bilang ng mga evacuees ay may sakit tulad ng respiratory infections habang ang iba ay dumaranas ngayon ng pagtatae, sakit sa balat at sugat at ang ilan ay tinatrangkaso at may lagnat.

Nangangamba din ang DOH sa posibleng flood-borne diseases tulad ng typhoid, cholera, leptospirosis, AH1N1 at hepatitis A.

Kasalukuyan umanong minomonitor ng DOH ang pagkalat ng dengue at malaria sa Rizal at Botolan, Zambales gayundin ang pagkalat ng typhoid sa Laguna at leptospirosis sa mga evacuees sa Metro Manila.

Ayon naman kay Dr. Eric Tayag ng National Epidemiology Center, posibleng bunsod ito ng kakulangan sa malinis na tubig at portalets kaya mabilis ang pagkalat ng sakit at bacteria. Aniya, kailangan lamang na magtulung- tulong ang mga evacuees sa pagpapanatili ng kanilang lugar.

Sa kabila nito, pinayuhan na rin ni Tayag ang mga residente na kung maaari ay bumalik na lamang sa kanilang bahay upang maiwasang mahawa sa sakit.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Patuloy din ang pamamahagi ng gamot at vitamins ng DOH upang mabigyan ng proteksiyon ang mga nananatili sa evacuation areas. (Doris Franche)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: