PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ieendorso ni Kris, liyamado

MANILA, Philippines - Malaki umano ang tsan­ sa ng sinumang kandidato na magwagi sa 2010 elections kung ma-endorso ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Ito ang paniniwala ni Ed Malay, political adviser ni dating Pangulong Fidel Ramos, na nagsalita kaha­pon sa Balitaan sa Tinapa­yan, sa Dapitan, Sampaloc.

Binanggit ni Malay ang survey result ng Issues and Advocacy Center 3rd quarter nationwide poll/ 2009 na pinagbasehan niya sa pahayag.

Nangunguna umano sa survey si Kris Aquino, bi­lang kinatawan ng ina na si dating Pangulong President Corazon Aquino, na nakakuha ng 80 porsyen­tong boto mula sa 1,200 respondents ng survey. Habang 20 porsyento la­mang ang nagsabing hindi siya makakatulong sa kan­didato kung mag-eendorso.

Hindi pa rin nagpahuli ang mainit pa rin sa pag­tang­gap ng publiko na si dating Pangulong Joseph Estrada na ikalawa sa pwesto o 72 porsyento.

Ikatlo si dating Pang. Ramos, sa 68 porsyento at kasunod si Pa­ngulong Gloria Macapagal-Arroyo na baligtad naman ang nakuhang boto, o 80 por­syento na nagsabing hindi siya epektibong mag-en­dorso habang 20 porsyento lamang ang nagsabing makakatulong ang kani­yang endorsement sa kandidato sa 2010. (Ludy Bermudo)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: