PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Repair sa C-130 iginigiit

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Rodolfo Biazon na tama lamang na kinansela ng Malacanang ang pagbili sa presidential jet at, sa halip, gamitin na lamang ang pera sa pagkumpuni ng apat na C-130 aircraft ng Philippine Air Force.         

Ayon kay Bia­zon, isa la­ mang ang gumaganang C-130 plane sa bansa at na­ka­kaapekto ito sa mabilis sa­nang galaw ng mga sundalo.     

Malaking tulong din anya kung bibili ang gob­ yerno ng mga night vision devices at communication equipment.     

Ayon naman kay Sena­dor Francis Escudero, dapat gamitin na lamang sa pag­papatayo ng mga eskuwe­lahan ang perang gagamitin sana sa pagbili ng presidential jet. (Malou Escudero)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: