PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sa TV infomercials, Cabinet officials kakasuhan

MANILA, Philippines -Irerekomenda ni Senator Miriam Defensor-San­tiago sa ilalabas na report ng economic affairs committee at blue ribbon committee ng Senado na sam­pahan ng kasong kriminal ng Ombudsman ang mga miyembro ng Gabinete na hindi maayos na maipa­paliwanag kung saan nanggaling ang pondo ng kanilang TV infomercials.

Ayon kay Santiago, walang batas na nag-uutos sa mga miyembro ng Ga­binete na i-publicize ang kanilang mga departa­mento at iligal para sa ka­nila na ibandera ang kani­lang mga sarili sa mga infomercials.

May 12 miyembro ng Gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno ang inimbitahan ni Santiago sa kanyang hearing pero ang sumipot lamang ay sina Vice President Noli de Castro, Finance Secretary Margarito Teves, Health Secretary Francisco Du­que, Education Secretary Jesli Lapus, Budget Secretary Rolando Andaya at Philippine Amusement and Games Corporation Chairman Efraim Ge­ nuino.

Mistula namang binoy­kot ng kanyang mga kasa­mahang senador si San­tiago dahil tanging siya la­mang ang nagsagawa ng pagdinig bagaman at sa kalagitnaan nito ay duma­ting si Senator Loren Le­garda.

Ipinaliwanag ni Santia­go na maaari naman niyang ipagpatuloy ang hearing kahit walang quorum dahil nangyari na ito noong 1988 kung saan pinayagan ang isang se­nador na magsagawa ng hearing dahil may awtori­sas­yon ito ng kanyang mga kasamahan.

Pero binanatan din ni Santiago ang kanyang mga kasamahang senador na halata umanong ‘guilty’ rin sa pinag-uusapang isyu kaya hindi sumipot sa hearing.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ipinaliwanag naman ni Teves na walang pera ng gobyerno ang ginastos sa kanyang commercial dahil Solar Sports umano ang nagbayad dito.

Ayon naman kay Du­que, ang pondong ginamit ng kanyang infomercials ay mula sa budget ng national center for health promotion na inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Umabot umano sa P21M ang media placement ng DOH para lamang nga­yong taong 2009.

Sinabi naman ni Vice President de Castro na mula sa corporate fund ng Pag-Ibig ang pondong ginamit sa kanyang info­mercials.

Gumastos umano ng nasa P172M para sa radio at TV ads ang ahensiya si­mula noong 2007 hang­gang sa kasalukuyan.

Ayon naman kay Ge­nuino, gumastos sila ng nasa P82 milyon at ang pondo ay nagmula sa PAGCOR dahil hindi na­man sila nakakakuha ng pondo mula sa gobyerno.

Sinabi naman ni Fer­nan­ do na nanggaling sa ka­nilang public relations fund ang gastos sa info­mercial na umabot sa P5.8M.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: