PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mayon nasa alert level 2

MANILA, Philippines - Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang kun­disyon ng Mayon volcano sa Legaspi, Albay.

Sinabi ni Volcanologist Jaime Sionsoco ng Phi­volcs na nasa state of unrest ang bulkan at may posibilidad na magkaroon ng ash explosion o hazardous magmatic eruption.

Bunsod nito, mahigpit na pinaiiral ang 6 kilometer radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan at 7 kilometer extended danger zone sa southeast flank ng bulkan bunsod ng banta ng sudden explosion at rock falls mula sa gilid ng bulkan. (Angie dela Cruz)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: