PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nagpakalat ng video scandal kasuhan! - GMA

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan ni Pangulong Arroyo ang mga nasa likod ng paglikha at distribusyon ng sex video scandal nina actress Katrina Halili at Dr. Hayden Kho.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, nais din ni Pangulong Arroyo na madaliin ng Kongreso ang pagpasa ng mga batas upang protektahan ang mga kababaihan sa katulad na kontrobersyang sinapit ni Halili.

Inamin ni Remonde na kahit sa hanay ng Gabinete ni Pangulong Arroyo ay napag-uusapan ang nasabing sex scandal nina Katrina at Dr. Kho.

Aniya, nakiki-simpatya ang buong Gabinete ni PGMA sa sinapit ni Halili. (Rudy Andal)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: