PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P1.5 milyong reward sa informer sa Mindanao attack

MANILA, Philippines – Nagpalabas kahapon ng P1.5 milyong reward ang Philippine National Po­ lice para sa sinumang ma­kapagtuturo sa utak at mga responsable sa tat­long insidente ng pag-atake kabilang ang pam­bobomba sa convoy ng dalawang gobernador sa Mindanao.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Jes­us Ver­zosa sa mga reporter sa Camp Crame kaha­pon.

Sinabi ni Verzosa na P500,000.00 ang inilaan nilang reward sa sinu­mang makapagtuturo sa mga suspek sa pambo­bomba sa convoy ni Sulu Governor Abdusakur Tan noong Mayo 13 sa Pa­tikul, Sulu.

Ang ibang insidente ay ang pambobomba sa convoy ni Autonomous Region in Muslim Minda­nao Gov. Andal Ampatuan at pana­nalakay ng mga rebelde sa Sultan Kuda­rat. (Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: