PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oposisyong presidentiable nanliligaw sa Lakas-CMD

MANILA, Philippines – Isang oposisyong pre­sidentiable ang kumikilos umano para makuha si­yang standard bearer ng makaad­minis­trasyong Lakas-CMD sa halalan sa taong 2010.

Ito ang nabatid kaha­pon sa makaadminis­trasyong mam­babatas na si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na nagsabing maraming kaibigan sa Lakas-CMD ang naturang presi­dentiable kaya gu­magawa ito ng paraan para mapili ng partido na maging kandidato nito sa halalang pampa­ngulu­han.

Ginagawa ng natu­rang presidentiable ang pagkilos kahit namimili na lang kina Vice President Noli de Castro at Defense Secretary Gilbert Teodoro ang partido para maging standard bearer nito.

Pero tumanggi si Revilla na pangalanan kung sinong presiden­tiable mula sa oposisyon ang nagpapaendorso sa kanilang partido.

Sinabi pa ni Revilla na marami namang nagsu­sulong sa kandidatura ng presidentiable bagaman at nagbigay ito ng “hint” na mahirap umanong ta­lunin ang pondo nito.

“Pumapasok iyong isang outsider, maraming nagpu-push sa kanya. Atin na lang iyon kung sino iyon,” sabi ni Revilla. (Malou Escudero)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: