PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Protesta sa CARP

Magsasagawa nga­ yong Martes ng kilos-protesta sa Maynila ang mga magsasaka, non-government organization at simbahang Katoliko para igiit sa Kongreso ang pagpapatibay ng panukalang-batas na magpapalawig sa Comprehensive Agrarian Reform Program.

Ayon kay Honey Beso, Program Officer ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace, libu-libong magsasaka mula Sumilao-Bukidnon, Western Visayas, Bicol Region, Calatagan, La­gu­na, Bulacan at Pam­panga ang magsasanib-pwersa upang ipakita ang kanilang hangarin na magkaroon ng sariling lupa na bubungkalin.

Sisimulan ang rally sa pamamagitan ng isang banal na misa sa Malate church bago magkaka­roon ng vigil sa paanan ng Don Chino Roces bridge malapit sa Mala­cañang. (Mer Layson)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: