PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Economic crisis kaya ng Pinas - GMA

Kayang-kaya umano ng Pilipinas na harapin ang anumang pagsubok na darating dulot ng global economic crsis dahil ma­tatag pa rin ang eko­nomiya ng bansa dahil sa mga ipinatupad na economic reforms ng kan­yang administrasyon.

“While no one can predict the future during these uncertain global times, it seems that our measures at home are seeing us through the toughest times,” wika ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Philippine Business Conference sa Makati City.

Sinabi ng Pangulo na may mga drastiko at minsan ay masasakit na repormang ipinatupad ang kanyang administras­yon subalit ito ang magi­ging depensa naman ng ating ekonomiya sa katu­lad nitong global economic crisis.

Kabilang sa sinasabi ni Mrs. Arroyo na drastiko at masakit na repormang ipinatupad ng kanyang administrasyon ay ang Expanded Value Added Tax, bank reforms at ang anti-corruption at anti-smuggling drive.

Aniya, ang Pilipinas ay unti-unti nang nagiging self-reliant dahil sa mga ipinatupad niyang economic reforms at kaya nang pondohan mula sa internal fundings ang mga infrastructure projects na hindi na kailangang umu­tang pa.

Ipinagmalaki din ni Pangulong Arroyo ang natuklasang langis sa Galoc oil fields sa Pala­wan kung saan ay naki­kita nating magkakaroon na tayo ng energy independence sa loob ng 2 taon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Wika pa ng chief executive, inaasahang ma­giging independent na din ang bansa sa pagkain dahil sa reporma sa agri­kultura at nakikita niyang magiging rice self-sufficient na tayo pagkatapos ng 2010.

Siniguro din ni Pangu­long Arroyo sa local at foreign businessmen na dumalo sa nasabing conference na lalong pag-iibayuhin ng gobyerno ang ekonomiya para ma­ging kaiga-igaya sa mga investors at lalabanan din ang corruption, smuggling sa bansa gayundin ang pagsisiguro sa peace and order ng bansa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: