PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

GMA ayaw ‘magbakasyon’

Ibinasura ng Malacañang ang rekomendasyon ni Bishop Antonio Tobias ng Novaliches na magbakasyon muna si Pangulong Arroyo ngayong tinatalakay na sa Kongreso ang impeachment complaint laban sa kanya.


Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang suhestiyong ito ay hindi kinakailangan at hindi katanggap-tanggap dahil walang sapat na ebidensiya na nilabag niya ang batas.


Sinabi pa ni Bunye na kahit isinasagawa na ang deliberasyon sa kasong impeachment, dapat bigyang pagkakataon ang Presidente na magampanan ang kanyang tungkulin lalo na sa pagpapatakbo ng ekonomiya, "The impeachment process is already in place. Let us just allow it to take its course in Congress," ani Bunye. (Ulat ni Lilia Tolentino)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: