PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

JDV III balik-Pinas na

Dumating na sa bansa ang kontrobersyal na anak ni House Speaker Jose de Venecia Jr., na si Jose de Venecia III matapos ang may isang linggong bakasyon sa Amerika, kamakalawa ng gabi

Sa panayam, palabang sinabi ni Joey na walang atra­san at tatapusin niya ang laban na kanyang inum­pisahan kahit na manganib pa ang kanyang buhay sa mga taong nagbabanta sa kanya kaugnay sa ibinulgar niyang anomalya sa ZTE national broadband network deal.

Nilinaw din niya na hindi siya nagtago sa America gaya ng mga sinasabi ng ilang kritiko dahil handa siyang isakripisyo ang posisyon ng kanyang ama lumabas lamang ang katotohanan.

Kahit nakipag-ayos na ang kanyang ama kay Pangu­long Arroyo na idinawit niya, handang maipag­tulungan si Joey sa oposisyon na humihingi ng reporma sa gob­yerno. (Butch Quejada/Ellen Fernando)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: