PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

AFP intensifies drive vs Reds in Compostela

Nakatakdang isagawa ng Puregold Price Club Inc. ang ikalawang pambansang pagtitipon ng mga may-ari ng sari-sari store sa Mayo 31-Hunyo 2, 2007 sa World Trade Center sa lungsod ng Pasay.

Ngayong nasa ikalawang taon na, isinasagawa ng Puregold ang kombensyon ng mga sari-sari owner sa ilalim ng programang “Tindahan ni Aling Puring.”

Layunin ng programa na mapalakas at mapatatag ang samahan ng mga may-ari ng sari-sarti store at matulungan sila kung papaano magiging matagumpay sa pamamahala sa kanilang tindahan.

Bukod sa pagbibigay ng mga tip, maglulunsad din ang Puregold, sa pakikipagtulungan ng Colgate-Pal­molive, Nestle, Procter and Gamble. Unilever, San Miguel Corp., Universal Robina Corp., Nissin Monde at Philip Morris, ng mga programa para sa mga pamilya ng OFWs na nais magtayo ng tindahan, pamumuhunan at ang pagpa­paunlad ng kooperatiba sa bansa.

Sa unang dalawang araw ng kumbensyon, magiging espesyal na araw ito para sa mahigit 126,000 kasapi ng “Tindahan ni Aling Puring” kung saan magkakaroon ng todo-todong diskuwento mula sa iba’t-ibang produkto samantalang bukas sa publiko ang huling araw.

Sa kasalukuyan, may 18 sangay na ang Puregold.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: