PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Labanan sa Speakership tapos na ! - JDV

Bagaman sa Hulyo 26 pa magsisimula ang regular na sesyon ng 13th Congress, naniniwala si Speaker Jose de Venecia na tapos na ang "boksing" para sa Speakership.


Kumpiyansa si de Venecia na muli siyang mahahalal na Speaker dahil sinusuportahan na umano siya ng 180 congressmen.


Bagaman at marami ang gustong sumungkit ng kanyang puwesto ay wala namang sapat na bilang ang mga ito para maagaw ang puwesto ni de Venecia.


Idinagdag nito na pormalidad na lamang ang mangyayaring botohan sa Hulyo 26 dahil sobra-sobra na aniya ang mga mambabatas na muling nagpahayag ng suporta sa kanya.


Ang pagbibigay ng mga committee chairmanship na lamang aniya ang inaayos sa ngayon dahil maraming mambabatas ang nais maging lider ng iba’t ibang komite.


Iginiit naman ni Rep. Robert "Ace" Barbers na dapat sa mga third-termer congressmen ibigay ang chairmanship ng ibat’ ibang komite dahil mas malawak ang karanasan ng mga ito.


Kabilang sa mga napabalitang naghahangad ng Speakership sina Reps. Danilo Suarez, Edcel Lagman, Noynoy Aquino at Ronaldo Zamora. (Ulat ni Malou Rongalerios)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: