PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disqualification ng Pasay solon,aaksyunan ng Comelec

Nakatakdang magpalabas ng resolusyon sa susunod na buwan ang Comelec ukol sa disqualification case laban sa kongresista ng Pasay City na si reelectionist Consuelo "Connie" Dy na isinampa ng isang residente ng nasabing lungsd.


Sa ginanap na pagdinig noong Biyernes, binigyan ng Comelec-National Capital Region (NCR) si Dy at petitioner na si Rolando San Miguel ng hanggang 10 araw na magsumite ng kani-kanilang position papers bago magpalabas ng resolution hinggil sa nasabing kaso.


Sinabi ng Comelec officials na titimbangin at i-evaluate muna ng komisyon ang bigat ng mga isinumiteng ebidensiya laban kay Dy bago sila dumating sa pagpapalabas ng ruling.


Sa nasabing petisyon, iginiit ni San Miguel na hindi residente ng Pasay si Dy at mula sa hawak nitong ebidensiya na tax declarations ng lady solon ay magpapatunay na nakatira ang huli sa #26 J. Gutierrez st., San Juan, Metro Manila.


Simula pa ng naging kandidato noong 1998 at nahalal na konsehal ng lungsod si Dy ay hindi na ito residente ng Pasay gaya ng idineklara nito sa kanyang certificate of candidacy noong 2001 at 2004 elections na nakatira ito sa 168 Arnaiz Ave., na address na isa palang sabungan. (Ulat ni Ellen Fernando)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: