^

Bansa

Garin sa pagkuyog sa kaniya ng mga galit na ina: Drama lang

Jacob Molina - Pilipino Star Ngayon
Garin sa pagkuyog sa kaniya ng mga galit na ina: Drama lang

MANILA, Philippines — “Drama lang.”

Ganito kung ilarawan ni dating Health Secretary Janette Garin ang pag-atake sa kaniya ng mga galit na magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Sinabi ni Garin sa kaniyang panayam sa ANC ngayong Martes ikinagulat niya ang pagsugod ng mga magulang sa pagdinig ng Kamara sa kontrobersiyal na anti-dengue vaccine.

“They were shouting: ‘Bakit mo pinatay yung anak namin? Yung mga pamilya namin, ganito na ang nangyayari.’ One of them pulled my dress; one of them slapped me in the left chest area. It was good my lawyer was there,” wika ni Garin.

BASAHIN: Garin kinuyog ng mga galit na magulang

“They were just making all the drama. I’m sorry to say this. And somebody was saying: Sinabi ng PAO na pumunta kami dito at sugurin ka. So why is all this happening?” dagdag niya.

Nakikisimpatya aniya siya sa mga magulang bilang isa rin siyang ina.

“I empathize with them, Karen. I’m also a parent. I have a daughter,” sambit ni Garin.

Sinabi pa ni Garin na maaring ginagamit lamang ng ibang sektor ang mga magulang at ang isyu upang maalarma ang publiko.

“I empathize with them but the way I see things, many of the issues are being taken out of context. Not only that I can’t swallow the fact that these parents are being used already,” ani Garin.

“But it’s a pity if they are being abused by some sectors because instead of moving forward or taking care of their children who are in school, they are being brought to rallies, demonstrations and they are being made as a front and a picture to make other parents panic,” dagdag niya.

Ayon sa mga ulat, inamin ng mga sumugod na ina na hindi naman sila namatayan ng mga anak.

Umaray din si Garin sa mga nangyayari dahil hindi lamang ang programa kontra dengue ang naaapektuhan kundi pati na rin sa buong sektor ng kalusugan.

“The hysteria that is being created is something that is not only hurting immunization, it is something that will destroy the whole health sector,” ani Garin.

“Doctors and patients are now debating and quarrelling like we have patients and this doctor as patients that do not believe in him or her anymore,” sambit pa niya.

Nanawagan ang DOH sa publiko na huwag magkalat ng mga maling impormasyon ukol sa dengue vaccine.

 

vuukle comment

DENGVAXIA

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with