^

Bansa

Salceda nanawagan ng tulong para sa Mayon evacuees

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY — Nanawagan ng tulong si Albay Second District Rep. Joey Sarte Salceda para sa mga Mayon Volcano evacuees, na napilitang lumikas sa mga evacuation centers ng kanilang lalawigan.

Ayon kay Salceda, kailangan ng mga evacuees o ‘bakwit’ ang pagkain, tubig at iba pa lalo na at hindi pa alam kung kailan matatapos ang kalamidad. Sa mga nakaraang pagsabog ng Mayon, mga buwan ang binilang bago nakauwi ang mga bakwit.

Tumatanggap ng mga donasyon para sa mga bakwit ang Team Albay Youth Organization (TAYO) Inc., na nasa ilalim ng Albay Second District Office ni Salceda. Katulong din nito ang Filipino-Chinese communities na nagbigay ng psychosocial at relief assistance, bukod sa hygiene kits sa 2,949 pamilyang bakwit sa anim na evacuation centers sa Guinobatan at Camalig.

Sa mga nais magbigay ng donasyon ay makipag-ugnayan lamang sa TAYO Inc. office, sa Room 2, Citispire Bldg., Imel­da Roces Avenue, Gogon, Legazpi City, teleponong 0927 665 4715. Maaari ding magdeposito sa Metrobank TAYO Inc. Account Number: 595-7-59500460-4. Para sa Daraga makipag-ugnay lamang kay Vice Mayor Carlwyn Baldo sa 0918 963 7372,  at Teresa Bausa sa 09392041088. Para sa Camalig, maaaring padaanin ito kay Mayor Ding Baldo sa 09178500235.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with