^

Bansa

Ex-Leyte mayor ‘guilty’ sa P6-M water project anomaly

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos ng Ombudsman na sampahan ng kasong graft si dating Mayor Anlie Apostol ng  Carigara, Leyte matapos mapatunayang guilty sa anomalya na may kinalaman sa rehabilitasyon ng small water impounding system project sa bayan noong 2010. 

Sa imbestigasyon ng Ombudsman’s Field Investigation Office- Region VIII, napatunayan nila na noong 2010, ang Carigara ay tumanggap ng P6 milyon bilang pondo para sa repair ng small water impounding system sa Brgys. Binibihan, San Isidro at Paglaum sa Carigara. May kabuuang P5,417,852.82 ang sinabing naibayad sa New Leyte Ever Hardware Company para sa construction materials at supplies ng proyekto. Gayunman, nadiskubre ng Ombudsman investigators na ang naturang proyekto ay isa lamang “ghost project”  dahil walang nakitang actual delivery ng mga supplies para sa proyekto.

Sinabi ng isang Crescente Precia, supply officer na inutos sa kanya ni  Apostol na pirmahan ang “acceptance at inspection report” (AIR) ng proyekto kahit na hindi natanggap ang mga materyales.

Una nang nasibak si Apostol sa puwesto nang mapatunayang guilty sa Grave Misconduct at hindi na siya pinapayagan pang magkapuwesto sa anumang posisyon sa gobyerno. Tanggal din ang kanyang “eligibility at retirement benefits?” at pinagbawalang kumuha ng civil service examinations.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with