SSS naglaan ng P2.55-B calamity aid
MANILA, Philippines — Naglaan ang Social Security System (SSS) ng kabuuang P2.55 billion bilang calamity relief assistance sa may 200,000 active members at pensioners na naapektuhan ng mga bagyong Urduja at Vinta noong nakaraang taon.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ang naturang mga miyembro ay maaari nang mag-avail ng calamity loan, na may tatlong buwang advance pension at direct house repair and improvement loan simula kahapon, Enero 23.
Ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) ay hiwalay sa regular loan program ng SSS sa mga miembro ng hanggang P16,000, depende sa kanilang SSS monthly salary credit na pagbabasehan ng halaga ng kanilang mauutang sa ilalim ng programang ito.
Nilinaw na ang mga SSS members na may outstanding loans sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) at previous CLAPs gayundin ang mga tumatanggap ng pensions para sa total permanent disability at retirement ay hindi kuwalipikado sa bagong CLAP.
- Latest