^

Bansa

‘Aberya pa more’ sa MRT-3: 500 pasahero nagngitngit!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Galit ang nasa 500 pasahero matapos nang muling pababain ng tren at maantala ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) dahil sa aberya sa Santolan Annapolis station northbound kahapon ng umaga.

Dahil dito, napilitang pababain ang nasa mahigit 500 pasahero ng tren sa nasabing istasyon  malapit sa Camp Crame at Camp Aguinaldo.

Bandang alas–11:53 ng umaga nang magkaaberya ang preno ng tren dulot ng depektibong electrical at braking sub-components nito.

Ang mga pasahero ay napilitang mag-bus na lamang matapos ang insidente. Samantalang ang iba naman ay naghintay nang matagal bago muling nakasakay sa sumunod na tren.

Kaugnay nito, nagngingitngit naman ang mga commuters ng tren dahil bukod sa mahabang pila ay madalas itong tumirik bunga ng samut-saring mga aberya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with