^

Bansa

Permanent evacuation center sa naapektuhan ng Mayon, hirit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang gobyerno na magtayo na ng permanenteng evacuation center para hindi na magamit ang mga eskuwelahan ng mga residente sa Albay na aapektuhan ng mga kalamidad tulad ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Sa privilege speech ni Batocabe sa Kamara, hinikayat niya ang national government na tigilan na ang polisiya sa paggamit ng mga classrooms bilang evacuatiion centers dahil lubhang apektado ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Giit ng kongresista na presidente ng Party-list Coalition sa Kamara, dapat Temporary Living Quarters (TLQs) para sa mga biktima ng kalamidad at hindi ang mga guro at mga estudyante ang itinataboy sa Temporary Learning Spaces (TLS).

Aniya, ang mga classrooms ay hindi dinisenyo para tugunan ang pangangailangan ng mga evacuees tulad ng overcrowding, ilaw, poor ventilation at kakulangan sa iba pang pasilidad tulad ng banyo at supply ng tubig. Nagdurusa rin umano ang mga estudyante at mga magulang dahil pagkatapos na mag-alisan ng mga bakwit sa mga eskuwelahan ay sira-sira na ito. Kaya ang mag-papaaayos naman nito ay ang mga mahihirap na estudyante at magulang dahil maniningil din ang mga guro para sa kontribusyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with