^

Bansa

Drug raid: 1 utas, 1 arestado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Bumulagta ang isang drug suspek makaraang manlaban sa mga ope­ratiba ng pulisya habang arestado naman ang isa nitong kasama nang isilbi ang search warrant sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Mlang, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Gerwin Macatubac Bualan, habang ares­tado naman si Ronald Binas Valenzuela na kapwa residente ng nasabing bayan.

Bukod sa dalawa ay target din ng operasyon ang dalawang mga suspek na nakatakas na sina David Pigkaulan at Ruel Macaso.

Ayon kay Police Chief Inspector Rolly Oranza, hepe ng Mlang PNP, sinalakay nila ang kabahayan ng apat na mga target ng search warrant alas-4:00 ng madaling araw nitong Lunes sa mga barangay ng Inas at Dalipe.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang iba’t ibang piraso ng illegal na droga, mga granada, baril at sasakyang motorsiklo na ginagamit ng mga suspek sa kanilang kalakaran.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP, mga elemento ng PIB, CPPO, EOD Team at iba’t ibang himpilan ng pulisya mula sa mga kalapit na bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with