^

Bansa

Heroes ng Marawi pinarangalan sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binigyan ng parangal kahapon ng Senado ang mga bayani ng Marawi City na nakipaglaban sa mga teroristang nanakop sa nasabing siyudad.

Ipinasa ng Senado ang Senate Resolution 401na nagbibigay ng parangal sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na sumabak sa Marawi City laban sa Maute-Abu Sayyaf terrorist group.

 Ayon kay Senator Risa Hontiveros, isa sa mga nagsulong ng resolusyon, nararapat lamang na kilalanin ang ipinakitang kabayanihan ng AFP at PNP.

 “They, of the AFP and the PNP deserve our utmost support and praise,” pahayag ni Hontiveros.

 Ayon naman kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, napatunayan ang dedikasyon ng AFP at PNP sa kanilang serbisyo habang ipinatutupad ang Martial Law sa Mindanao.

 Ipinunto pa ni Sotto na kahit kulang sa intelligence, surveillance at kagamitan ang pulisya at militar, nagawa pa rin nilang matalo ang mga teroristang sumakop sa Marawi City.

Nauna rito, pinangunahan ni Senate Secretary Lutgardo Barbo ang mga empleyado ng Senado sa pagpapasalamat sa 15 sundalo na nagtungo sa Senado na kabilang sa elite 3rd Scout Ranger Batallion.

Ang 15 sundalo na pina­ngunahan nina Captain Aris Gerero at Captain Jommel Ray Parreño ay inimbitahan bilang mga guests-of-honors ng institusyon sa ginawang flag rites kahapon ng umaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with