^

Bansa

Human rights victims sasanayin ng TESDA

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 6,000 biktima ng human rights ng panahon ng Marcos regime ang sasanayin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nilinaw ni TESDA Director General Guiling ‘Gene’ A. Mamondiong, na ang kanyang tanggapan, isa sa mga implementing partner ng  Human Rights Victims Board (HRVCB) ay hindi magbibigay ng tulong pinansyal sa mga human rights victims.

Sa halip, ang TESDA ay magkakaloob ng mga libreng pagsasanay na makakatulong sa mga miyembro at  kanilang mga pamilya para mabigyan sila ng tsansa na makapagtrabaho upang kumita o self-employment.

Aniya, ang mga beneficiaries ay maaaring pumunta sa malapit na TESDA Office upang mag-avail sa nasabing training programs.

Sila ay lalagda sa isang kasunduan para sa kanilang kahandaan na sumailalim sa programa at pumayag na bayaran ang halaga ng skills training sakaling hindi nito tatapusin.

Kung hindi na puwede ang isang nabubuhay na human rights victim, ang benepisyo ay maaaring makuha ng isa sa mga kuwalipikado nitong dependent.

Sakaling makumpleto na ang pagsasanay, iindorso naman ng TESDA ang eligible graduate sa Public Employment Service Office (PESO) ng Local Government Units para mabigyan sila ng trabaho.

Sinabi ni Mamondiong na  kinikilala ng gobyerno ang mga  kabayanihan at sakripisyo ng mga human rights victims noong panahon ng Martial Law mula September 21, 1972 hanggang Pebrero 25, 1986.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with