^

Bansa

‘Zero budget’ joke lang – Alvarez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Joke lang.”

Ito ang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez bilang pagbawi sa banta niyang “zero budget” sa mga kongresista na hindi susuporta sa isinusulong na federalism.

Paliwanag ni Alvarez, isa lamang joke o biro ang kanyang sinabi subalit ang ibang tao ay sineryoso ito.

“Alam mo iyong pag nag-speech ka, kailangan mo ng kaunting biro-biro, di ba? Iyon lang naman iyon, Ewan ko ba bakit sineryoso nila,” ayon pa sa Speaker.

“Nagbibiro lang ako, alam ninyo nagpapasalamat ako na sumali sila doon sa partido at nagpapasalamat din ako na iyong kanilang mga representatives ay nasa majority kaya nga hindi sila makakakuha ng zero budget ‘di ba? Hindi naman seryoso iyon,” paliwanag pa ni Alvarez. 

 Dahil dito, kantiyaw naman ang inabot ni Alvarez sa mga kongresistang taga oposisyon.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin, “unbecoming” para sa isang Speaker ang umasta nang ganito at dapat siyang mag-ingat sa buwelta ng kanyang mga salita.

Para naman kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, mahirap paniwalaan kung talagang joke ito ni Alvarez dahil tulad ni Pangulong Duterte ay pabagu-bago rin ang salita niya at sa huli ay siya rin naman ang nasusunod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with