^

Bansa

Media ‘di tinitiktikan-Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Media �di tinitiktikan-Bato

 Ito’y sa gitna na rin ng matinding pagkairita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pahayagang Inquirer, Rappler on line at maging sa isang sikat na television network..   Michael Varcas

MANILA, Philippines — Walang ibinabang kautusan si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa kanilang mga intelligence operatives na tiktikan ang mga miyembro ng media partikular na ang mga kritiko ng gobyerno.

 Ito’y sa gitna na rin ng matinding pagkairita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pahayagang Inquirer, Rappler on line at maging sa isang sikat na television network.

 “Hindi naman kayo kalaban,” ani dela Rosa na iginiit na tanging ang mga kalaban ng administrasyon ang kanilang iniimbestigahan.

 Ginawa ni dela Rosa ang pahayag sa gitna na rin ng pagpalag ng kampo ng reporter ng Inquirer.net na si Patricia Ann Roxas hinggil sa umano’y pagsasailalim sa kanya sa surveillance operations ng PNP-Intelligence Group operatives.

 Nabatid sa mga editor ni Roxas na may mga nagtungo sa kanilang barangay sa Bulacan na nagtatanong ng impormasyon sa nasabing reporter.

 Inihayag pa ni dela Rosa na kung mayroong problema sa seguridad ang mga media lalo na at may kinalaman sa mga pulis ay agad na sabihin sa kanya.

Samantala, matapos na magdiwang ng kanyang ika-56 kaarawan kamakalawa, inihayag ni Bato na ang kanyang ‘birthday wish’ ay magkaroon na ng mabait, matino, at mahusay na PNP.

“Isang napakabait, napakatino at napakagaling na Philippine National Police na maipagmamalaki ng sambayanan,” ayon sa PNP Chief.

Sinabi rin ni dela Rosa na huwag na sana maging kontro­bersyal at maging madugo ang pagpapatuloy muli ng giyera kontra droga ng PNP.

Si dela Rosa ay dapat nagretiro na sa serbisyo pero pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino nito hanggang Abril 24 ng taong ito.

Pinaghahandaan na rin niya umano ang napipinto niyang pag-upo bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BUCOR)  matapos siyang magretiro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with