^

Bansa

COMELEC 2nd division, binatikos

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng isang abogado ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division dahil sa aga­rang pag-iisyu ng desisyon sa mosyong inihain ng isang natalong mayoral candidate laban sa kanyang kli­yente, sa mismong araw din kung kailan inihain ang naturang petisyon, nang hindi man lamang sila binibigyan ng pagkakataon na makasagot at sa pagli-leak nito ng kopya ng naturang kautusan sa kampo ng petisyuner at i-post sa Facebook, bago sila nabigyan nito ng kopya.

Sinabi ni Atty. Manuelito R. Luna, co-counsel para sa private respondent na si Mayor Daphne Lagon, ng Tuburan, Cebu, nakakaalarma ang ginawa ng COMELEC 2nd Division, na pinamumunuan ni Commissioner Al Parreno, nang pagbigyan nito ang January 19, 2018 ex parte motion for the issuance of a preliminary injunction na inisyu ng natalong protestee na si Democrito Diamante, sa mismong araw kung kailan ito inihain noong Enero 19, 2018 din, nang hindi man lang inaatasan ang kanyang kliyente na sagutin ito.

Nagtanong pa umano si Luna sa Comelec-Electoral Contests Adjudication Department (ECAD) noong Enero 19 din, kung may kautusan ba o resolusyon na inisyu ang poll body hinggil sa naturang mosyon, na sinagot naman aniya nito ng wala pa.

Gayunman, laking gulat na lang ni Luna at nang mga taga-suporta ni Ma­yor Lagon, nang pagsapit ng alas-11:00 ng gabi ng Enero 19 din, ay madiskubreng nagkaroon ng leakage ng desisyon, na nabasa nila sa isang Facebook account, ng isang taong kilalang kakampi ng kabilang kampo.

Sa nasabing desisyon, pinagbigyan ng Comelec Second Division ang mosyon para sa writ of preliminary injunction na inihain ni Diamante laban kay Lagon.

Hindi nagustuhan ni Luna na kinabukasan, Enero 20, ng alas-10:00 ng umaga pa lamang siya naimpormahan ng ECAD hinggil sa desisyon.

Tiniyak naman ni Luna na idudulog nila ang naturang isyu kahit hanggang sa pinakamataas na hukuman kung kinakailangan. 

Nabatid din na pinag-utos din ng hukuman na bawiin at ipawalang-bisa ang proklamasyon kay Diamante ngunit nanindigan naman ito na iaapela ang desisyon hanggang sa Korte Suprema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with