^

Bansa

11 katao timbog sa drug bust

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang labingisang katao matapos na malambat ang mga ito ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa San Jose del Monte City, Bulacan, linggo ng madaling araw.

Kasalukuyan nang nakapiit ang mga naarestong sina Maisona Dilabaken, 27 ng Brgy.Gaya-Gaya, Vicente Chua Jr., 49, Rodeliza Bañez, 25, Bjon Ganob, 34, Ronnie Troyo, 21, Alfredo Birador, 38, Robson Hermano, 40, Jingle Sarmiento, 42, mga residente ng Brgy. Kaypian, Renzo Gonzales, 22, David Abapo, 23 at Rommel Tagala, 34 ng Brgy. San Martin IV pawang sa bayang ito. Sa ulat ni P/Supt. Fitz Macariola sa kampo Hen. Alejo Santos, dakong alas 2:00 ng madaling araw unang isinagawa ng lokal na drug enforcement unit ng naturang himpilan ang operasyon sa Brgy. Gaya-Gaya at nang matanggap na ng suspek na si Dilabaken ang marked money ay dito na siya inaresto.

Samantala sa Brgy. Kaypian naman ay inaresto rin si Chua matapos na ibigay ang shabu na binibili ng poseur buyer na pulis at naaresto rin ang anim na iba na kasalukuyang nagsasagawa ng pot session sa loob ng bahay ng suspek habang si Gonzales ay hindi na nakapalag pa nang ibigay nito ang shabu sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Martin IV kasama ang dalawang iba pa. Narekober sa naturang operasyon ang 32 pakete ng shabu, sari-saring mga drug paraphenalias, P2,000 pisong marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with