^

Bansa

‘Bahay Pag-asa’ sa mga batang sangkot sa krimen, itinayo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  May bago nang masisilungan ang mga kabataang nasasangkot sa iba’t ibang krimen sa Navotas City makaraang pasinayaan ang bagong “Bahay Pag-asa” kamakailan.

Binuksan ang Bahay Pag-asa na matatagpuan sa Phase 2, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) na kayang maglaman ng nasa 40 kabataan.

Nabatid kay Mayor John Rey Tiangco na dating dinadala sa opisina ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga “children-in-conflict-with-law” (CICL) ngunit dahil sa liit ng pasilidad ay nagsisiksikan ang mga bata na dumadagdag pa sa kanilang paghihirap.

Sa bagong gusali ng Bahay Pag-asa, malaya umanong makakagalaw ang mga kabataan at may iba-iba ring pasilidad tulad ng basketball court upang magawa ang mga normal na akbitidad ng mga nasa naturang edad.

Sa pagtutulungan nang itinatag na “multi-disciplinary team” buhat sa Liga ng mga Barangay, Department of Education-Alternative Learning System, Christ Revealed Church, BCPC Federation at CSWD, mabibigyan na ng tamang edukasyon at “values formation” ang mga kabataan upang maaga pa lamang ay maitama na ang kanilang mga ugali at pananaw sa buhay.

Tinatayang nasa 28 kabataan na kasalukuyang nasa pangangalaga ng CSWDO ang unang maninirahan sa Bahay Pag-asa habang hinihintay ang kahihinatnan kanilang mga kaso sa korte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with