^

Bansa

Aberya pa sa MRT-3: 200 pasahero pinababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang maagang nagkaroon ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at pinababa ng tren ang may 200 galit na pasahero nito kahapon ng umaga.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-6:14 nang umaga ng  magkaroon ng technical problem ang bagon sa North Avenue station southbound.

Kahit iritable, walang nagawa ang 200 pasahero kundi bumaba ng bagon matapos silang abisuhan ng pamunuan ng MRT-3 na nagkaroon ng electrical failure sa motor ng tren.

Naabala ng anim na minuto at naghintay na lamang sa susunod na bagon ang mga apektadong pasahero patungo sa kani-kanilang mga destinasyon. Hinatak naman pabalik sa MRT-3 depot  ang tumirik na bagon para isailalim sa preventive maintenance.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with