^

Bansa

Impeach Sereno iaakyat na sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iaakyat na ng Kamara sa Senado ang articles of impeachment ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Marso.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, na dapat mag-relax na si Sereno dahil inihahanda na ng House Committee on Justice ang articles of impeachment sa Senado na siyang magsisilbing impeachment court.

Ito ay sa kabila umano ng busy schedule ng Kamara dahil sa isinusulong nilang pag-convene ng Kongreso bilang Constituent Assembly (ConAss) sa pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos na hamunin ng kampo ni Sereno ang mga kongresista na i-transmit na ang impeachment complaint sa Senado kung talagang naniniwala sila na mayroong magandang mangyayari roon.

Tiniyak ni Speaker na bago sila mag-break sa Marso ay nasa Senado na ang articles of impeachment dahil ngayon pa lang ay sinisimulan na nila ito.

Bwelta pa niya sa punong mahistrado, hindi sila pwedeng diktahan, gayung ayaw naman ni Sereno na humarap sa pagdinig at harapin ang mga nag-aakusa at mga testigo laban sa kanya kaya nangangahulugan lang umano ito na nagsisinungaling siya dahil ayaw niyang harapin ang katotohanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with