^

Bansa

Pinas mauuwi sa RevGov

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng mauwi sa Revolutionary Government ang bansa kapag hindi nagkasundo ang Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa isyu ng pagsusulong ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sinabi ni House Committee on Constitutional Amendment Vice Chairman Vicente Veloso, na hindi siya nangangamba na humantong sa constitutional crisis ang banggaan ng mga kongresista at senador.

Ang ikinatatakot umano ni Veloso ay mauwi ito sa revolutionary government dahil ang hindi umano nila alam ay kapag kinalog ang gobyerno ay baka humantong na ito sa gulo.

Wala umanong magiging ibang opsyon ang mga Pilipino dahil kapag mayroon nang cancer sa democratic system ng bansa  ay hindi na kailangan ang pallative measures kundi kailangan na talaga ang major operation.

Samantala, binalewala naman ng kongresista ang banta ng mga senador na ie-expel nila ang sasama sa mga kongresista sa pag-amyenda sa konstitusyon sa pamamagitan ng Constitutional Assembly o ConAss.

Para kay Veloso, ang dapat na ma-expel ay ang mga senador dahil sa kanilang disorderly behavior na pagbabanta na malinaw na nakasaaad sa Article 6 paragraph 3.

Duda rin ang mambabatas na lulusot sa Korte Suprema ang bantang expulsion dahil mayroong article 3 section 1 kung saan nakasaad na “no person shall be denied life, liberty, property without due process of the law”.

Banat pa ni Veloso, walang valid basis ang mga senador sa kanilang pagbabanta dahil hindi naman disorderly behavior ang pagdalo sa ConAss.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with