^

Bansa

Oil price hike tuloy sa pagsirit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Oil price hike tuloy sa pagsirit

Sa pagtataya ng Department of Energy, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 naman ang sa diesel at kerosene. File

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa na ipatutupad ngayong darating na linggo dahil sa patuloy pa ring mataas na presyo ng la­ngis sa internasyunal na merkado.

Sa pagtataya ng Department of Energy (DoE), maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina habang P0.40 hanggang P0.50 naman ang sa diesel at kerosene. 

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong may oil price hike. 

Nitong Enero 16, nagpatupad ng P.80 sentimos dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at P.55 sentimos sa diesel at kerosene. 

Mula Enero 1 hanggang ngayon, P1.75 na ang iminahal ng diesel habang piso sa gasolina dulot ng pagmahal ng imported na produkto.

Bukod pa ito sa oil price hike dahil sa excise tax sa petrolyo sa implementasyon ng TRAIN Law.

Nananatili umano na mataas ang pangangaila­ngan sa petrolyo ng mga bansa sa Kanluran dahil sa malamig na panahon na isa sa dahilan ng pagtaas sa presyo sa world market.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with