^

Bansa

Bong Go ‘di takot sa ‘frigate’ probe

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handang harapin ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga nag-aakusa at naninira sa kanya tungkol sa usapin ng Navy frigate acquisition issue sa gagawing imbestigasyon ng Senado tungkol sa isyu na siniguro ng kalihim na kanyang dadaluhan.

“Kung ipatawag man ako ng Senado hinggil sa frigate issue, dadalo ako.  Anywhere, anytime I’m willing to face the accusers,” ani Bong Go.

Pinanindigan pa nito na mali at malisyoso ang mga ibinibintang sa kanya dahil wala siyang alam tungkol sa frigate issue.

“The accusations are false. Wala akong tinatago. Wala akong tinataguan at wala po akong alam hinggil sa issue na yan’, dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Go na handa niyang harapin sa korte maging sa Senado ang mga taong naninira sa kanya.

Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at dating Navy Flag-Officer-in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado na hindi nakialam at nang-impluwensya si Go sa usapin ng Navy frigate issue. 

Hinamon din maging ni Pangulong Duterte ang mga nag-aakusa kay Bong Go na maglabas ng ebidensya at hihilingin niya itong magbitiw sa pwesto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with