^

Bansa

TNCs malulugi, mga drivers ng TNVS mawawalan ng trabaho sa LTFRB memo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namemeligrong malugi ang mga Transport Network Companies (TNCs) at mga Transport Network Vehicle  Service (TNVS) kapag ipinatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Common Supply Base Limit partikular na sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga panguna­hing lungsod sa bansa.

 Ito’y kaugnay sa kontrobersyal na LTFRB Memo 2018-003 na inisyu  ng ahensya. 

Dahil dito,  hinimok kahapon ni KABAYAN Party-List Representative Atty. Ciriaco Calalang ang LTFRB na rebisahin ang kapapalabas pa lang nitong Memorandum Circular 2018-003 na nagtatakdang limitahan sa 45,000 lang ang bumibiyaheng TNVS  sa Metro-Manila.

 “Tataas ang pamasahe sa Transport Network Companies (TNCs) gaya ng Uber at Grab at libu-libong mga TNVS ang mawawalan ng kita dahil sa bagong direktiba ng LTFRB. The common supply base decision has the effect of being anti-entrepreneur, when the country needs more entrepreneurs,” giit ni Calalang. 

“Natural lamang na kapag sobrang kaunti ng ‘supply’ ng TNVS sa lansangan, tataas ang presyo; kapag sobrang dami naman, babagsak ang presyo na ikahihina ng kita ng mga ito. Mali itong limitasyon na 45,000 TNVS units na itinatakda ng LTFRB”, paliwanag pa ng solon. 

Isinuhestiyon naman ng mambabatas na sa halip na magtakda ng limitasyon na, dapat ang i-set ng LTFRB ay ang minimum na dami ng mga TNVS na bumibiyahe sa lansangan para matiyak na laging may TNVS na masasakyan ang publiko.

 Aniya, dapat ring patuloy na bantayan ang price surge sa mga TNVS upang matiyak na tumpak  na natutugunan ng LTFRB  ang trabaho nito na protektahan ang mga commuters sa pagtaas ng pamasahe. 

Kabilang dito ay ang pagbubukas ng mga bagong Public Utility Jeepney routes, magtakda ng mas maikling PUJ routes at gawing permanente na ang mga ruta para sa point –to-point passenger ng Public Utility Buses (PUBs ). 

 “Pabor sa PUJ operators at drivers ang mga hakbang na ito. New PUJ routes and shorter PUJ routes will make for more profitable operations for the jeepneys while also reducing vehicle volume along major roads,” dagdag ni Calalang.

 “More P2P buses will address jeepney supply shortages because of the PUV modernization program,” ayon pa sa mambabatas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with