^

Bansa

MIASCOR aapela kay Duterte

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
MIASCOR aapela kay Duterte

Pangulong Rodrigo Duterte 

MANILA, Philippines — Aapila kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamunuan ng MIASCOR Groundhandling Corporation matapos wakasan ang kontrata ng mga ito ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal noong nakaraang Biyernes dahil sa libu-libong mga empleado nito diumano ang maaapektuhan kapag nawalan ng trabaho.

Ayon sa MIASCOR, may 4,000 empleyado sila na mawawalan ng trabaho at siguradong apektado ang mga pamilya nito kaya naman aapila sila kay Duterte na muli silang pagbigyan.

Napag-alaman na iniutos ni Duterte sa MIAA na tapusin na ang kontrata ng MIASCOR matapos mawalan ng P82,000 halaga ng mga kagamitan ang isang overseas Filipino worker galing Canada nang nakawin ito sa Clark International Airport.

Gayunman, sinabi ni Monreal na hihintayin na lamang nila ang nakakataas kung ano ang magiging pasiya sa MIASCOR pero, habang wala pa, tapos na ang kanilang kontrata sa airport complex at kailangan lisanin na nila ito sa loob ng ilang araw mula ngayon.

Ipinagmalaki pa ng MIASCOR na noon pang 1974 sila may operasyon sa Ninoy Aquino International Airport pero anila ay maganda ang kanilang seribisyo sa mga pasahero at wala naman mga reklamo silang natatanggap noon.

Ang anim na empleyado nilang nagnakaw ng mga kagamitan sa Clark International Airport ay kinasuhan na nila at pansamantalang nakalaya matapos mag-piyansa.

‘May mga nangyayari na rin nakawan ng mga bagahe sa airport kaya lang hindi nagre-reklamo ang mga nawalan dahil sa abala at sa pagkakaalam nila ay wala naman mangyayari,’ sabi ng ilang airport observers.

Nagpapasalamat ang ilang pasahero na nakapanood at nakabasa sa ginawa ni Duterte sa MIASCOR at maging sa pagkansela ng kontrata nito sa NAIA.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with