^

Bansa

Bagong umento pinag-aaralan

Jess Diaz - Pilipino Star Ngayon
 Bagong umento pinag-aaralan

Sinabi ni Nograles kahapon na ang pagpapatupad ng  four-year upgrading sa burukrasya ay makukumpleto sa susunod na taon at, doon, dapat  may sapat nang pondo ang pamahalaan sa bagong round ng umento sa sahod.  File

Para sa mga taga-gobyerno

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng tagapangulo ng appropriation committee ng House of Representatives na si Davao City Rep. Karlo Nograles ang bagong dagdag sa suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan na posibleng maganap sa taong 2020.

Sinabi ni Nograles kahapon na ang pagpapatupad ng  four-year upgrading sa burukrasya ay makukumpleto sa susunod na taon at, doon, dapat  may sapat nang pondo ang pamahalaan sa bagong round ng umento sa sahod.

“Nagiging matapat lang si Budget Secretary Benjamin Diokno hinggil sa kasalukuyang katayuan ng ating sitwasyong pinansiyal pero hindi ibig sabihin ay hindi ito magagawa. Meron pa tayong fourth round ng salary standardization na sumasaklaw din sa ating mga guro,” paliwanag ni Nograles.

Sinabi niya na kasalukuyang isinasagawa ng kanyang komite ang mga technical studies sa susunod na bagong mga umento.

Naunang nilinaw ni Diokno na hindi prayoridad ng administrasyong Duterte ang pagdadagdag sa sahod ng mahigit 600,000 guro sa mga pampublikong paaralan.

Ang four-year pay upgrading sa burukrasya ay itinatadhana ng Executive Order No. 201 na nilagdaan noong  Pebrero 19, 2016 ng noon ay Pangulong Benigno Aquino III.

Nagsimulang matanggap ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ngayong buwang ito ang pangatlong dagdag sa kanilang sahod.

Ang buwanang sahod ni Pangulong Duterte ay tumaas sa halos P300,000 na tataas pa sa P400,000 sa susunod na taon. Ang suweldo ni Vice President Leni Robredo ay ini-adjust sa P265,000.

Tumaas naman sa P225,000 ang basic pay ng mga miyembro ng Gabinete at ng mga mambabatas habang ang sa  mga undersecretary ay umakyat sa P160,000.

Ang sahod naman ng lowest-paid employee ay P11,000. Ang entry-level pay ng mga guro sa mga pampublikong paaralan ay P20,179.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with