^

Bansa

Dagdag na pondo sa mga LGUs sagot sa Cha-cha

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na pondo sa mga   LGUs sagot sa Cha-cha

 Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na naniniwalang hindi na kailangan pa ang Cha-cha para lamang itaas ang share ng mga probinsiya, siyudad, bayan at mga barangay sa nakukuhang income ng gobyerno dahil maari itong gawin sa pamamagitan ng pagpasa ng isang ordinaryong batas  File

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan pang amiyendahan ang Konstitusyon o magkaroon ng Charter change (Cha-Cha) kung ang layunin lamang ay makakuha ng mas malaking pondo o malaking share ang mga local government units.

 Ito ang sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na naniniwalang hindi na kailangan pa ang Cha-cha para lamang itaas ang share ng mga probinsiya, siyudad, bayan at mga barangay sa nakukuhang income ng gobyerno dahil maari itong gawin sa pamamagitan ng pagpasa ng isang ordinaryong batas

Sa tantiya ni Recto, nasa P121.5 bilyon ang mawawala sa gobyerno ngayong taon dahil sa maling interpretasyon ng batas kung papaano kukuwentahin ang Internal Revenue Allotment (IRA).

 Nakasaad sa Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991 na dapat bigyan ang mga LGUs (Local Government Units) ng 40-percent share mula sa international revenue collection ng national government.

Pero sa kasalukuyang sistema, kinukuha ang 40 porsiyento mula sa koleksisyon ng Bureau of Internal Revenue collections pero hindi kasama ang excise at VAT collections ng Bureau of Customs.

Sinabi pa ni Recto na isa itong pagkakamali dahil ang VAT at ang excise tax ay inituturing na internal revenue, at ang BOC ay isa lamang collecting agent ng BIR kaya dapat isama ito sa pag-compute ng share ng mga LGUs.

“’Yung taga-barrio, pag bumili ng gasolina para sa traktora nya, eh di nagbayad sya ng excise tax. Kung ganoon, bakit hindi mo ituturing na internal revenue ‘yun…At dahil hindi nga kasama ang BOC, ang IRA ng mga lokal na pamahalaan ngayong 2018 ayP522.7 billion lamang, pero ito dapat ay P644 billion,” paliwanag ni Recto.

Nanainiwala rin si Recto na maaring itama ang nasabing pagkakamali sa mga LGUs sa pamamagitan ng isang Executive Order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Recto, dapat ding magpasa ng batas ang Kongreso para maging 50% ang makukuhang share ng mga LGUs upang maging “hating kapatid” umano ang sharing arrangement sa buwis ng mga mamamayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with