^

Bansa

‘Hindi pa patay ang Cha-cha’ – Koko

Pilipino Star Ngayon
�Hindi pa patay ang Cha-cha� � Koko

Sa isang lingguhang forum sa Quezon City, tinalakay nina dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel (kanan) at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang kontrobersiyal na usapin sa federalism at charter change o Chacha. (Kuha ni Boy Santos)
 

MANILA, Philippines — Kinontra kahapon ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel  ang pahayag ng ilang kasama­hang senador na “Cha-cha is dead” o patay na ang panukalang Charter change.

 Ayon kay Pimentel, seryoso ang pagsusulong ng Cha-cha at hindi dapat balewalain o pagtawanan ng mga kontra na amiyendahan ang Konstitusyon.

“Huwag naman ganoon. Dapat ang pag-amiyenda sa Constitution ay in good faith. Huwag naman tatawa-tawa yong mga against sa pag-amiyenda,” ani Pimentel.

Nauna rito, ilang senador ang nagsabi na “Cha-cha is dead” matapos tumanggi ang Senado na sumali sa  anumang joint session sa House of Representatives upang maging constituent assembly na mangunguna sa pagsusog sa Konstitusyon.

Sinabi ni Pimentel na maari namang magkahiwalay na ituloy ng Senado  at House of Representatives ang ginagawa at pag-aaral tungkol sa panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Umaasa si Pimentel na sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ay magkakasundo na ang dalawang kapulungan pero hindi aniya dapat sabihin na patay na ang Cha-cha.

Balak din ni Pimentel na kausapin si House Speaker Pantaleon Alvarez sa hinaharap kapag maluwag na umano ang kanilang schedules.

Iginiit naman ni dating Senate president Aquilino “Nene” Pimentel Jr.  na dapat malaman ng mga mamamayan ang hinggil sa federalism na isinusulong sa kasalukuyan ng pamahalaang Duterte.

Ayon kay Pimentel na hindi dapat madaliin ang pagsususog sa Konstitus­yon patungo sa federalism.

“Palagay ko medyo tagilid [three months to federalism] sapagkat dapat malaman ng taumbayan ang puno’t dulo nito bakit kailangan ng federal system. Hindi porke iniendorso ito ng Pangulo ay awtomatiko nang maganda,” sabi ni Pimentel sa isang forum sa Quezon City.

“Maganda ang layunin pero dapat may alam ang taumbayan [kung] ano yung sinusuportahan nila kaya sa tingin ko aabutin  ito ng mahigit tatlong buwan,” dagdag ni Pimentel.

Samantala,  sinalungat ni Bayan Muna Chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang fast tracking ng Chacha at cons­tituent assembly dahil ito ay inilaan upang siguraduhin na walang magi­ging halalan sa 2019. Hindi ito dapat madaliin anya.

Nagbabala si Colme­nares, laban sa pagmamadali sa napakalaking konstitusyunal na mga pagbabago dahil ang  Cha-Cha ay naglalayong ilayo ang mga karapatan ng mga mamamayan na igiit ang pagbabago at pagwawasto mula sa pamahalaan lalo na kung ang bagong Saligang-Batas ay nagpapatunay na mas masahol pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with