Libreng sakay sa LRT-2 sa sundalo simula ngayon
MANILA, Philippines — Umpisa ngayong araw (Sabado) ay libre sakay na ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa LRT 2 na may biyaheng Recto hanggang Santolan, Pasig City.
Ito ang inihayag kahapon ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Emmanuel Garcia kaugnay ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng AFP sa Light Rail Transit Authority (LRTA) noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Ang hakbang ay bilang pagkilala ng LRTA sa kabayanihan ng mga sundalo na nagsasakripisyo para sa peace and order.
“The MOA stipulates that all active military personnel, even in civilian attire, are entitled to ride the LRT-2 (Santolan-Recto) free of charge upon showing their AFP identification cards as access pass”, pahayag ng opisyal.
Nabatid na ang naturang MOA ay nilagdaan ni Major General Ronnie Evangelista, dating Commander ng AFP Civil Relations Service at retired Chief Supt. Colonel Reynaldo Berroya, LRTA Administrator sa LRTA 2 Depot, Pasig City.
Ang nasabing kasunduan ay buong galak na pinasalamatan ni AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero.
- Latest