Senate probe sa P15.7-B ‘frigate’ deal, ok sa DND
MANILA, Philippines — Welcome sa Department of National Defense (DND) ang plano ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa kontrobersyal na P15.7 bilyong Frigate Acquisition Project ng Philippine Navy.
“The Department of National Defense (DND) welcomes the plan of the Senate to conduct an investigation on the frigate acquisition project,” ani Defense Spokesman Director Arsenio Andolong.
Ayon kay Andolong, matagal na nilang hinihintay ang oportunidad na mabigyang linaw ang isyu sa nasabing P15.7 bilyong proyekto para sa karagdagang warship ng Philippine Navy para malaman ang katotohanan.
Nabatid na nais ng mga minority bloc senators na imbestigahan ang nasabing transaksyon matapos ang ulat ng panghihimasok dito ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go.
Nagbunsod ang kontrobersiya sa pagkakasibak sa puwesto ni dating Phl Navy Flag-Officer-in Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado kaugnay ng hindi pagkakasundo sa pagbili ng dalawang frigates o barkong pandigma ng Philippine Navy.
Nitong Martes ay nagsumite ng Senate Resolution #584 ang mga opposition senators upang imbestigahan ng Senate Committee on National Defense and Security at Congressional Oversight Committee on the AFP Modernization Act upang silipin ang estado ng AFP Modernization Program kabilang na ang warship deal.
- Latest