^

Bansa

P1-B ibinalik ng Sanofi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagbayad na ng mahigit P1-bilyon bilang bahagi ng refund ang kumpanyang Sanofi Pasteur para sa mga nalalabing Dengvaxia vaccines.

Kinumpirma kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na nakapagbigay na ng P1.16 bilyon ang Sanofi at may kasunod pang refund na ibibigay ang kumpanya sa Department of Health (DoH) para sa mga natirang stocks ng nasabing bakuna na kukunin sa Ene­ro 22.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na ang pag-refund ng Sanofi ay hindi nangangahulugan na tapos na ang kanilang imbestigasyon sa Sanofi dahil kailangan pa nilang tukuyin kung may mahalagang impormasyon na ikinubli kaugnay ng Dengvaxia.

Nauna nang nilinaw ng Sanofi sa isang statement na ang kanilang pagtugon sa hiling na reimbursement ng DoH ay walang kinalaman sa isyu ng kaligtasan o kalidad ng Dengvaxia.

Iginiit pa ng Sanofi na ang inabot ng isyu sa Dengvaxia ay bunsod ng hindi pagkakaunawaan sa benepis­yo at panganib na kaakibat ng nasabing bakuna at kawalan din ng kamalayan ng publiko, partikular na ng mga magulang na nabakunahan ng Dengvaxia.

Para sa Sanofi, nananatili pa ring positibo ang pangkalahatang benepisyo ng dengue vaccination sa mga bansa na endemic o likas ang problema sa dengue gaya ng Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with